Friday, December 14, 2007

[] DaHiLaN Sa LiKoD Ng KaBuLuHaN []

Wala nanaman akong maisip na isulat. Walang kabuluhan ang mga pangyayari, wala man lang nagbigay ng push sa akin para may mapagusapan. Kaya ito ako, nagiisip na naman ng small-time na balita para pagka-utuan.

Nagka-strike last thursday at hindi ko alam na meron pala ganun hanggang matagpuan ko na lang ang sarili kong naglalakad papuntang Philcoa dahil wala masakyan. Gusto ko sana pag-usapan ang mga ganitong pangyayari kaya lang, ambaho ng tema. Gasgas na naman na gawain yan ng mga dyipny driver natin. Pag may gusto, strike tau, wala nanaman masakyan. Badtrip. mga motorista nanaman pinagkaisahan. Di ba nila alam may kotse ang politiko, di rin naman sila maririnig nun, namerwisyo lang sila. Dapat sinunog nila mga kotse ng politiko sabay strike, mahihina kokote, hai.
( ito galit na dulot ng baldeng tumatagaktak na pawis habang naglalakad palabas ng UP )

Kung mapapansin ninyo.. (dahil sa papansin ako..) ay tagalog ang medyum na ginagamit ko ngayon. Hindi ko ba alam pero tinamaan ata ako ng titser ko sa Fil. paking shet daw mga Pilipinong mas iniintindi ang pagpapalawak sa ingles kesa sa sariling wika. Ambantot man magsalita ng titser ko dun ay, maluphet naman un. Actually, may libro kasi akong nabasa na dapat ang Pilipino para sa Pinoy, kaya dapat pag nagsusulat ang asintahin mo mga kababayan mo. Kaya anu pa bang paraan ang magpapalapit sa akin sa kanila, kung hindi ang wika ng bayan... (cheers... claps.... ) hay, im so proud of my self este... ipinagmamalaki ko ang sarili ko! Saka nasabi din ng Highschool teacher ko na may ka-gurangan, mas masarap sumulat sa Filipino kasi mas malambing at mas matalinhaga. Hindi naman tula ang isinusulat ko pero masarap pakinggan... MATAAAALINNNNHAAAGAA... MATALIIIINNNHHHAAaaGGAAAaa... (repeat fading.... sa utak ng isang gago..)

Kaya dahil gullible ako at mapang-uto sa mga sinasabi ng mga tao, ito ako nagsusulat sa tagalog. Maraming typo yan, wag ninyo nang bilangin, hindi yan sadya pero kasi ayaw ko nang baguhin. you know, tamad ang taong 'to. Saka mas masaya pag direkta mula sa utak ang nababasa, nakaka-gagu di ba? ito ang kwento ng pagbabagong anyo... parang zaido lang....

P.S. Ambantot ng costume ng Zaido... obvious na cardboard, parang may hydrocephalus sila pag nagtransform... Pilipino talaga... manggagaya na lang, palapak pa... hayz.. AMBANTOT!

Friday, December 07, 2007

[] ReKLaMo Ng iSaNG MaSKuLiNiSTa []

Sa isang tahimik na sulok ng parking lot sa simbahan... At habang ako at mga kasama ko aytinamad pumasok sa simbahan para sa misa... aming natunghayan ang ganap na ito...

Batang Lalaki: Anu nanaman ginagawa ninyo dito?
Batang Babae: Uupo.. bakit? Inyo ba ito?
Batang Lalaki: Umalis kayo dito.. gusto nu tawagin ko ang PBDT (o kung anu mangcombinasyonng letra ang nabanggit nya.. ang alam ko lang... napangisi ako sa pagkasabi nyanito..)
Batang Babae: Yack Bakla ... Papatol sa babae... ewww...
Batang Lalake: May crush ka lang siguro sakin.. kya punta ka ng punta dito... (pilit tatawa...)
Batang Babae: ULOL! BAKLA KA!! BAKLA!!...

Huwag na nating i-exaggerate ang kwento... wag na nating paluhain ang lalaki.. Basta simpleng Katapusan... umalis na nagngingitngit ang batang lalaki papunta sa kanyang parents... kawawa naman.. (*evil grin)

Kung panahon siguro ito ng nakaraan at binastos mo ng ganito si Lapu-lapu... Siguro iba ang katapusan... Malamang -lamang lulutang-lutang ang ulo mo sa may ilog sa cebu... Kung panahon naman ito ng mga prayle... malamang - lamang.. nasa kwarto ka ng mga sakristan at pinagpyepyestahan na ang katawan mo ng sandaan na pareng panot na kating kati na ang balls.. salit-salitan parang class schedule.. ("Oh.. Father Geronimo.. ikaw naman... nakaraos na ako eh...") Sa makatuwid, tuluyan na ngang nagbago ang mga kababaihan sa mata ng mundo. Kasing pagtataka ko sa kahulugan ng PBDT (o kung anu man... hayz), Bakit kaya? Paano na ang mga lalaki?

Nagkaroon ng isang "Feminist value" ang mundo kesyo pantay daw dapat ang turing sa mga kababaihan.. Sino namang balbal ang nag-pauso nito... Hindi ko lang alam pero malamang-lamang sa past life nya, siya iyung pinugutan ni Lapu-lapu at pinag-pyestahan ng mga prayleng panot na makati ang balls... Kaya ngaun nag-amotok at isiniwalat ang walang ka kwenta kwentang idealismo na ito... Pero hindi ba kayo nagtataka na sa ngayon... winawalang-hiya na ng mga kababaihan ang lalaki? Pano naman si Adan? Tadyang lang naman natin si Eba di ba?

Maskuli-nista ( hango sa femi-nista.. haha.. wala kong maisip na ibang pangalan eh...) ang sagot sa kabalbalan ng mga babae. Aba, dapat din namang may humadlang sa ka-hudluman( di ko alam ang meaning... alam ko lang ganun siya gamitin.. walang pakialamanan..) ng mga kababaihan... Pangunahan natin ang bantayog ng mga lalaki,... (whew.. sigawan with matching banner at confetti..)

Ito ang pagsisiwalat sa mga ka-apihan sa mga kalalakihan na dulot ng mga walang hiyang feminista n yan...

> Bakit ang lalaki, pag pumatol sa babae, bakla... pero pag babae, pumatol sa lalaki, hindi tomboy? <

ang laki-laki ng impact na ito sa mga kalalakihan.. ALAM NYO BA YON!!!??? kung lalaki kayo, dapat lang... alanga naman tumango ka pag sinabihan ka nito.. (walang sexual orientation discrimination ha... masama lang ito pag ginamit pang-insulot... sisihin ninyo kababaihan sila nagpauso nyan..)

> Bakit dapat lalaki manligaw? <

bakit dapat kami magpaka-hirap... samantalang dati, hahatakin mo lng ang babae, hawakan mo sa kamay... BWALA! kayo na at pwede na ikasal... Eh ngayon... may kilala ako... 3 taon na nanunuyo... pero deadma lang... hai... Porket lang kasi babae, mahinhin daw... dapat sila ang namimili... ABA! anu kami tsokolate sa tindahan... tapos pag wala na tamis, idudura... hmmm.. masama yan...

> Bakit walang "masculine wash"? <

Wala bang karapatan maging malinis ang kasingit-singitan ng mga lalaki? Porket ba umiitim ito, di na dapat bigyan ng sariling pang hilamos... aba... sumusobra na ata kayo... Anu gusto nyo maging sa mga bantayog ng lalaki? T*t*ng-grasa?

> Bakit kami okay lang mang kabit pero pag babae dapat hind? (at marami pang iba na ganito ang tema *pag-inom.. pag-night club... pag-aaya ng sex etc.) <

Sabi nila okay pagka-ganun... pero! Anu ang gusto ninyo sabihin? Na lahat ng kamunduhan at kasalanan ay dulot ng mga lalaki... nagmamalinis naman ata kayo... naamoy din namin ang lansa ninyo ah... di hamak na mas maiitim ang budhi ninyo... hmmm... ang dyos nga di ba lalaki? di ba? ibig sabhin si Jesus, Mohammad, buddah at kung sinu pang Dyos ay lasengo din?

Inaantok lang ako, kaya wala na ako ibang mai-sulat na pang-aapi... pero marami pa!! aabutin ako malamang-lamang na uugod-ugod pag natapos ko ilista ang mga kasalanan ninyo... kung dati pantay-pantay ang tema ng peminista? Eh ngaun, "destroy the males" na.. may-isyu pa nga na babae pwedeng mabuhay sa mundo kahit walang lalaki dahil sa pagkaka-clone kay Dolly (hindi si carvajal... kundi ung anak ng tupa..).. aba... bat iyon ang naisip nila... hindi ba nila alam, LALAKI ang naka diskubre ng paraang ito... kapal ah... si pareng Ian... Ian Wilmut... eh kung, tawagan ko kaya siya at wag ituro sa inyo... mabubuhay kaya kayo ng wala kaming lalaki,... hindi pwedeng si pareng Ian lang... katibak ko yun... dapat lahat...

Ipaglaban si Adan, ang patron ng kalalakihan (di ba?)? Pabagsakin ang maniil na Peminista... at sunugin natin ang ulo nila sa plaza... haha....


Disclaimer : wala lang talaga ko magawa... bear with me... adik ata ako.. peace tayo girls...

Wednesday, December 05, 2007

[] ReKLaMo NG iSaNG MaSKuLiSTa []

batang lalaki 1: oh... anu nanaman ginagawa nyo dito?
batang babae 1 : Pwesto namin to ah...
BL 2: Anung inyo? Sino nakaupo dito ngaun?
BB 1: Epal Nanaman kayo?
BL 1: May Crush ka lang ata sa amin eh... (sabay tawanan ang BL group...)
BB 2: Asa ka naman... Bakla!
BL 1: Ito nanaman sila.. wag nga kayo manggulo dito... Di
BB 2: