Friday, February 12, 2010

I tried to write in English.. pero BUMAGSAK sa filipino...

The wait was too long... and it ended up too fast... So... this is how it felt... I am saddened by the fact that im not that good enough for such an easy exam... or probably... its just all about the quota... nevertheless, i cant deny the fact that those that passed are better... but, probably, not that much... better... but not way overboard...

Tama... hindi na nga ako ang iskolar... I flunked big time... bragging rites off... meet reality... you're a normal kid now... adult actually... Gustong gusto ko pa naman ang euphoria ng pagpasa... mukhang napagkaitan ako ngayon... yung lamig sa dibdib at ung taas ng balahibo sa kamay... yung ngiti sa mukha na parang di mawawala... pero ito na nga... first time mong bumagsak sa isang bagay na gustong gusto mo... sana pala... hindi na lng ako nag entrance nung highschool at college sa magandang eskwelahan... para naman lahat ng swerte ko dito ko binuhos... pero ganun tlga... malas ako ngayon...

Tama... hindi ko na alam ang susunod... planado kasi lahat eh... kumuha ng law sa UP... maging lawyer... at maging magaling sa pagiging ganon... pero... ito na nga... hindi na nga pwede... sabi ni mama.. kuha na daw ako sa ibang school... pero... hindi ko alam... meron kasing ibang feeling sakin na nagsasabing gusto ko tlga dun eh.. at kung nd dun.. wag na lang...

Tama... nakakatawa na iniisip ng lahat na dapat ay umiyak ako... ang pinagkwekwntuhan pa nga sa bahay ay yung mga nagpapakamatay dahl sa  bagsak.. punto nanaman yung family friend namin na si kuya jay... muntikin mo ba namang naglakad from UP law to luneta.. ng di nya inaasahan... umiiyak daw kc tapos lakad lang.. nagulat na lang cya nasa bay walk na siya... dapat daw ganun ang ma feel ko... tapos parang lahat ni yakap na ako para daw ma comfort.. pero di talaga.. di ko makuhang lumuha over it... siguro ganito ako kamanhid... okay lang kasi tlga... well hindi okay.. pero... wala naman tayo magagawa.. so we have to live with it... besides.. kung iiyak man ako.. dun na lang sa bar exam... well.. that is... kung kukuha pa talaga ako ng bachelor degree sa laws...

Tama.. malaking tama nga naman... tanga na nga daw ako sabi ng aking ama... well... kasi naman lintik na mga entrance exams yan noon.. at isang magandang academic track record... nag-expect tuloy yung matanda ng sobra sobra... kaya yun bad trip... so what.. wala akong balak i-please sya... besides kung cya ang kukuha.. i bet di pa nya matatapos un.. kesyo daw di daw ako umuuwi kaya di ako pumasa.. or baka daw nag-drugs.. or baka daw... aiwan ko... Doy! i can say tinino ko yung LAE noh... ginawa ko ang lahat.. kung di mo ma-realize un.. sorry ha... di naman kasi ako perpekto... tao lang ako... at noon.. taong kayang ipasa ang lhat kahit walang ginagawa... ngayon.. sa mata mo... taong di pumasa sa lae.. period... WHO FUCKING CARES?

oh well... tuloy tayo... ano na nga ba ang nawala... well... bye sa isang pangarap na noong bata ko pa naiisip... bye sa mga araw na naisip na nagbabasa sa may UP lib para makatapos ng case studies sa law...bye sa kayabangang ipinagsusumigaw ko... bye sa pagiging virgin sa pagbagsak sa bagay na gusto ko... bye sa lahat lahat ng pinagdaanan.. bye na nga...

kukuha ba ako uli.. di ko alam.. baka.. aiwan... saka na... hay nako... ganun talga....

Isang bote session lang.. at iba na ang nasa isip ko... as in talaga... ang gago nga lang.. dahl napapasulat ako ng ganito dahl gusto ko lang maglabas ng frustration.. ito.. sisigaw na.... WAAAAAAAAAAAAAAAAAA!
*hinga*
 as in wala na talaga... at para sa aking napakamahal na bata... hindi talaga ako iiyak... hindi talaga... see? sigaw na lang ako uli...
*hinga*
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!

pero sa lahat lahat ng ito... isa lang nmn ang nakakainis... as in sobra... hindi na sa makapasa sa law eh.. hindi na rin sa maipagyabang ang sarili.. wala rin sa pagiging birhen sa pagbagsak sa mga entrance exam... ang masakit.. as in sobra...

PAALAM SA KOTSE NA DAPAT BIBILHIN NA...
di pasado eh.. pasensyahan na lang...
DAMN!
*face on palm*

3 comments:

Arman Bee said...

*hug*

dru Adriano said...

there's a difference in not PASSING and not being ACCEPTED. sabi sa kin yan ni sir valero abay. sana makatulong.

aBaY lumbang said...

? I dont know what is to be helped... *lmao*

di naman ako naapektuhan ng ganun... pa-joke nga tong post ko eh.. *rofl*