Tuesday, March 10, 2009

Mascian ka ba?

I was going through the inbox when I found this survey from my mascian friends. I took the liberty of copying the said survey. So here it is... have fun reading and relating...

Copied from Melai and Dan...

==================================================================

"For Mascians Only" Survey

RULE: Bold everything that applies to you.

Noong First year: (GALILEO)

-Naculture shock ka.
-Naliitan ka sa school mo. + Maiinit pa at parang di makakaligtas pag lumindol..
-Nakabisa mo na ang school mo within 3 days.
-Takot ka pa sa mga higher years. + hindi kc naging friends namin mga old-gali noon...
-Tumatambay kau sa bahay kubo.
-Kilala mo lahat ng kabatch mo.
-Wala ka pang kina-cut na klase.  + feeling noble pa eh...
-Kumakain ka ng lunch sa hallway, sa hagdan, at kung saan-saan pa dahil puno ang canteen. + swerte mo na pag nakaupo ka sa canteen ng lunch...
-Namimiss mo pa ang mga Grade 6 classmates mo.
-Mabait ka pa sa mga teachers mo. + andun pa ung ka-sipsip-an..
-GC ka pa.
-Nangopya ka na. + shhhh... haha...
-Di ka pa marunong mangopya.
-Umiyak ka nung bumagsak ka sa Math + love na love namn math namin eh.. kht ung prof adviser ng opponent section.. haha..
-Naging campus heartthrob ka.
-Nagkaroon ka na ng first crush sa school. + nanggaling k ba nman sa all boys... duh...
-Cool pa ang corny jokes. - + polliii? hahaha
-Nilipad ang palda mo nung mahangin or may bagyo. - weird un kung binold ko. hahaha
-Takot ka pa ma-late sa subjects mo
-Binili mo lahat ng libro na reference ng teacher mo. + gagong mga higher years yan... enrollment pa lang nagbbnta na ng libro... evntually malalaman mo.. di rin pala gnagamit un... banas..
-Nagkaroon ka na ng group of friends.
-Loner ka pa.
-Nakitambay ka pa sa mga dati mong kaklase noong Grade 6 ka. - ako lang nakapasa sa amin eh...
-Nagalaga ka ng sisiw + hahaha... grabe lang... dapat may pasabong tayo noon..
-Madami kang nirepeat sa drafting. + uhmmm... journalism ako eh... kumakain lang kami ng longganisa sa canteen habang nag drafting cla.. haha
-Bumagsak ka sa kahit anong subject. + below 84... nd bagsak.. pero bagsak.. gets?
-Merong subject na sa sahig ka umupo. + PEHM..
-Library period & Music free time.
-Naintindihan mo ng buong puso ang Micro Ace. + noong una akala namin tinuturuan kami gumawa ng bomba...
-Nashock ka kasi Algebra agad ang tinuro sa inyo.
-Bumili ka ng sweets na binebenta ng teacher during class.
-Sinusundo ka pa ng nanay mo sa labas ng skul.

Second year: (PAULING)

-Tumaas section mo. + ata...
-Bumaba section mo.
-Ganun pa rin section mo.
-Gumamit ka ng liquid eraser para maging white ang background color ng ID picture mo dahil bawal ang colored
-Nagtetext ka pag Bio time. + subukan mo lang...
-Nalimutan niyong magdala ng frog para sa Bio.
-Hindi kayo nag dissect ng frog. + alam ko hindi eh.. or baka di ko maalala...
-Nag-dissect kayo ng frog.
-Puti lahat ang buhok ng teacher mo sa Bio.+ STORM!! Ma'am Carte..
-Itim lahat at shiny ang buhok ng teacher mo sa Bio.
-Nakakatulog ka sa Comp Lab pag naglelecture ang teacher niyo.
-Nagdadala ka ng Campbell sa school.
-Kumpleto notes mo sa Bio. + indi... kc nakakatulog ako minsan... haha
-Kinabisa mo ang Kreb's Cycle + tuwing exam lang naalala ang ganyan.. haha
-Kumpleto notes mo sa lahat ng subjects. + asa..
-Napatayo ka na sa Geom dahil wala kang HW.
-Napagawa kau ng banderitas ng teacher mo sa English para sa piyesta ng barangay nila.
-Nagkadevelopan kayo ng seatmate mo.
-Nashock ka dahil may Bio Chem at Physics na agad.
-Nanonood kau ng MYX top 20 habang wala pa ang teacher at nasa classroom na ang TV.
-Nagkaroon ka ng kaaway sa higher batch. + indi pa... wala pang cheering na competition noon... haha
-Nagkaron ka ng friends sa lower batch.
-Masaya ka dahil may mabubully ka ng lower year. EVIL!
-Fave Subject mo ang MAPEH.
-Inenjoy mo ang HATAW2. + naalala ko si alain.. haha...the dance master...
-Kinanta nio ang HATAW2 dahil sira ang karaoke.
-Naging bibbo ka.
-Music = free time. + Para ngang di ata kami nag class dito..
-Nakita mo ang slippers ni ma'am yumang. + Who would forget?
-Nagtinda ka ng chicharon sa classroom nyo para sa entrepreneurship. + at many more pa...
-Bumagsak ka sa Asian History exam.

Third year: (Mendel)

-Tumaas section mo.
-Bumaba section mo. + 1 level down from Pauling... tama ba?
-Ganun pa din section mo
-Dalagang-dalaga/binatang-binata ka na.
-Malungkot ka kasi ang tagal ng dismissal time mo.
-Masaya ka kasi ang ganda ng dismissal time mo.
-Umiyak ka dahil sa napakahirap na test niyo sa Chem.
-Nag-prom ka sa high school grounds.
-Nag-prom ka sa hotel. + hindi kami poor...
-Tinawanan mo ang Chem book na makapal kasi hindi naman masyadong ginamit. + banas binili ko pa yun...
-Naguluhan ka sa mga exam sa Advanced Biology.
-First time mong makakita ng precipitate.
-Ginamit mo ang buhok mo para itago ang mukha mo dahil natutulog ka sa klase. + Minsan nga keber na lang...
-Natuto ka ng umuwi ng late dahil sa mga school projects.
-Natuto ka ng umuwi ng late dahil sa SABAYANG PAGBIGKAS.
-Dinugo ka sa Research.+ hindi ata namin sineryoso un.. ung pnka mahirap na ay yung interview.. haha.. tungkol sa baliw ung topic ata namin... at d ata sa 3rd year ko un naging klase...
-Dinugo ka sa Chem.
-Nahirapan ka maghanap ng research topic.
-Nangopya ka ng research topic ng mga higher years na graduate na.
-Nagkaroon ka ng madaming friends.
-Excited ka bago mag Prom.
-Maangas ka sa mga lower batches, lalo na pag wala ang fourth year.
-Nagjournalism ka.
-Nagaccounting ka.
-Naghome economics ka.
-Natuto kang magconnect ng circuit.
-Kilala mo si MoKing.
-Naging teacher mo si 'walking sleeping pill'. + naging prof ko siya... even before this year ata...

Fourth year: (ROENTGEN)

-Kumuha ka ng review classes para sa entrance exams, hindi para mag-review, kun'di para maka-kilala ng mga tao at para makapaglakwatsa after. + BAON BAON!
-Nag-alala ka sa magiging resulta ng UPCAT/(school na gusto mo). + Alam ni Cha na hindi...
-Nagexam ka sa lahat ng college na pwede mong pagexaman.
-Naluha ka sa Les Miserables.
-9am ang lunch time nio. + di ko maalala... nakakahiya ako...
-Kayo rin ang bumibili ng mga produkto nio sa BAKING CLASS/TLE.
-Tinatiming mo ang paglabas nyo ng classroom para kumain sa pagdating ni Ma'am Diaz. + Minsan nga di na tinatimingan.. bahala na si lord kung anu oras babalik... haha
-Bumagsak ka sa Analytic Geom. + aw... aw... consistent.. haha.. kahit mataas na nung 3rd quarter.. ayaw tlga umangat ng grade ko... di ko tlga magets un.. ang laki ng galit nya sakin...
-Nakagat ng aso at nagleave ang teacher mo sa economics.
-Namatay ka sa kakatawa sa Advance Chemistry. + HAHAH! PEOPLE AT THE BACK!! MASYA ANG BUHAY... haha..
-Alam mo kung ano ang Acidic acid. + andun pa rin ba sya?
-Gumamit ka ng gawgaw para lang mapatayo ang panyo mo sa CAT.
-Tumatakbo ka na pag late na sa CAT dahil may demerit. + at may push up..
-Naging platoon leader sa CAT.
-Excited ka sa last Prom at Grad ball mo. + hindi sa grad ball.. pasaway kami.. di kami pumunta.. nag swim swim n lang kami..
-Napamahal ka sa mga kaklase mo.  + ito ata ang pnaka-close... pero... hindi sila nag cocontact ngaun.. papatayin ko kau eh....
-Binisita mo ang mga bahay ng mga kaklase mo para sa project. + Pati hotel nila alain.. haha.. hindi na nga namin kaklase un eh.. haha...
-Nanghihiram ka na lang ng research paper ng ibang group dahil tinatamad ka na gumawa ng iyo. + shhhh...
-Binaboy mo ang huling Filipino exam dahil 'yun na ang pinaka-huling exam mo sa high school.
-Naranasan mo ang magplan ng layout ng kuryente sa future house mo. + naman..
-Nagdala ka ng canister.
-Nagwala kayo nung last day of classes niyo. + at dahil kami ang nasa baba.. kami lang ang pnapansin... d ba newton? lahat ng prof pumunta samin... pati principal na may dalang camera... Letche,... sino ba kasi nagpasimuno ng vandalism na yan.. haha..
-Namroroblema ka kung anong school ka magcocollege.+ alam ni cha na hindi.. haha...
-Nagkagusto ka sa kabatch mo.
-Nagkagusto ka sa lower batch.
-Nagkaroon ka ng kaaway sa lower years.
-Nagkaroon ka ng maraming friends sa lower years.
-Natutuwa ka kasi ikaw na ang ate/kuya sa school mo.
-Nalulungkot ka dahil mamimiss mo ang mga school friends mo.
-May umaaway sa inyo na teacher. + ayaw pa kami bigyan n clearance... iniyakan pa ni jomar un.. haha..
-Muntik na kayong hindi gumraduate.
-Muntik na bawiin ang diploma nyo.
-Pumasok kayo the day after graduation. + clearance week..

Over-all:

-Naglalaro kayo ng card games sa mga classroom. + 1.. 2... 3.. pass... saka.. Bluff... haha... nung Pauling... Tong-its at pusoy dos nung Mendel at Roent.. haha
-Naglaro kau ng volleyball sa loob ng classroom. + Sports room ang Pauling.. Dinadayo pa pala sa basketball... tska... nakabasag na kami ng ilaw sa hallway.. si racqz ata may kaslanan nun...
-May mga planner nga na binibigay ang school pero hindi mo ginagamit.
-Nagtapon ka na ng clay sa ceiling
-Mas gusto mong mag-banyo sa cr na malapit sa room ng mga thirdyear nung 4th yr ka..
-Kilala ka ng mga tao sa canteen.
-Kilala mo si ate retail..
-Nagkaron ka ng bf/gf sa school.
-Nakikishare ka ng inumin kung kanikanino lang...at pati pagkain. + pagkain lang ata..
-Nagpapalibre ka.
-Humihingi ka ng mga piso o mga barya. + sila JJ at Poli to eh.. ahaha
-Humihingi ka ng papel sa seatmate mo. 
-Nakapagbigay ka na ng papel sa seatmate mo.
-Isang linggo ka nang walang papel.
-Isang linggo na walang papel seatmate mo.
-Nag lecture na kayo nang brown out. + naman...
-Umikot ka na ng malaking ikot para lang iwasan si Teacher pag inspection ng haircut. + Binggo lagi ako dito.. lagi tuloy tabas na tabas buhok ko.. banas na barbero yan.. akla militar kami...
-Nakakopya ka na ng homework.
-Nagpakopya ka na ng homework.
-Nanduktor ka na ng papel.
Nangodigo ka.
Sinulatan mo ang calculator mo ng formula/ formulas.
Sinulatan mo ang desk mo ng formula.
Sinulatan mo ang pader ng formula.
Present ka nung nagkabagyo at 30 minutes before dismissal bago nasuspend ang klase. + Letcheng guard yan... ayaw maniwalang suspended..
Inabangan mo ang iba pang weeks na half day.
Alam mo ang free day.
Memorized mo ang holidays ng saints.
Memorized mo ang iba pang holidays.
Nagtetext ka sa klase.
May tumunog na phone sa klase.
Alam mo ang Batis ng diwa. + di ko na memorize...
Kabisado mo ang kanta ng Maynila.
Alam mo na ang original na first line ng hymn ay Batis ng diwaNG ginto't dalisay.
Sumali ka sa choir.
Nagiging iba ang relihiyon mo pag may mass kasi ayaw mo umupo ng matagal sa quad.
Nagpatintero kau sa harap ng Bordner. + playing place un eh..
HABORDNER ang una mong basa sa H.A. Bordner.
Nagtop ka sa klase mo.
Kung 4th year ka o madalas ka malate.
Nagcharge ka na sa classroom ng phone or ipod.
Nagtanong ka na sa YM o txt kung ano ang HW.
Natanong ka na kung ano ang HW, at ikaw rin mismo ay di mo alam.
Nagtanong ka ng homework, at nang malaman mong madali, di mo rin ginawa at nag cram ka nalang kinabukasan sa school. + pa-copy na lang tomorrow.. haha
Bahay mo na ang classroom.
Nahuli ka ni Teacher dahil wala kang ID. Shyit talaga yang pila tuwing umaga.. haha
Hindi mo kinakanta ang Lupang Hinirang.
Umabsent ka dahil tinamad ka lang. + Hindi naman ako ganun...
Nanalo kau sa sabayang bigkas.  + uhmmm.. uhmmm..
Nanalo kau sa choric interpretation. + UHMMM.. UHMMM...
Nanalo kau sa carol fest o kahit anong choir contest. + More UHMM.. UHMMM...
Natulog ka habang sinasagot ang NCAE.
Nakatulog ka habang nagsasagot ng exam.
Pumupunta ka sa school kahit sabado. at linggo. + Minsan kahit di academic ang gagawin... hmm.. mas madalas ata na d academic nga..
Nagcut ka ng last subject para makauwi agad.
Humingi ka ng papel sa katabi mo kahit sinabi ng guro na bawal.
Nandaya ka na sa mga running exercises ng PE.
Bahagi na ng iyong buhay ang malate at paglinisin ng garden.
Nagiging athlete ka tuwing Intrams.
Kinakareer ng bawat klase ang Sabayan at Carolfest. + parang kala mo may pera pag nanalo kayo..
Ginawa niong practice ground ang Paco Park. + amin ung place para sa mga patay na bata.. ung nasa likod ng chapel..
Nagppractice kau after class at every weekend kahit bawal.
Nagbibihis kau sa classroom. + sabay sabay.. boys and girls.. wala malisya.. haha
Nabighani ka kahit minsan sa chem teacher mo. + NO!!!
Iniimpersonate nio ang mga teacher nio. + HAHA!
Masarap masaksihan ang mga away ng mga lalake sa batch niyo.
Nagseservice/school bus ka pa.
Nalulungkot ka dahil walang fieldtrip. + mali eh.. nalungkot ka dahil ganung kapangit ang field trip..
Ang Filipino Department ang pinaka-astig. + NO!! ang unfair nila nung para sa graduation honors.. haha.. nakikiisa ako sa pagluksa ni ES..
Dinugo ka sa Florante at Laura, pati na rin sa Noli at El Fili.
Alam mong maraming pagkain tuwing Christmas Party.
Napikon ka na minsan sa Trigo teacher mo. + SOBRA!
Pumupunta kang library dahil sa Values teacher mo.+ Di ko naramdaman ung subject n un...
Nakakatulog ka tuwing Econ time.
Gumagawa ka ng homework sa umaga o kaya sa 5-minute break.
Pinapangarap mong pumasa sa Physics. + Tatay kasi ni mai eh... "nakakatawa ba Pauling?"
Nakapagtanim ka na ng puno para sa bio.
Nakapaglaro ka na ng DOTA. + Pero di na ako naging magaling.. tinamad ako...
Natalo ka na ng bading sa DOTA.
Apat lang ang gusto mong pasukan sa Pilipinas: UP Ateneo, La Salle, o UST. + Isa lang ang papasukan ko..
Second choice mo kadalasan ang UP kahit na mas mahirap makapasok dito. .
Alam mo kung kailan dapat gamitin ang rito at dito at ang ng at nang. 
Utang na loob mo sa classmate mo na marunong ka nang uminom at magyosi. + indi eh.. mas natuto ako ng maaga...
Binuhat ka ng isang nanay na hindi mo naman kilala dahil baha.
Masaya ka tuwing walang klase. + Sinong hindi? Ipokrito ka kapag di mo to binold...

==================================================================

“Life gives us brief moments with another...but sometimes in those brief moment we get memories that last a life time..."


Sunday, March 08, 2009

Inaugural party for Incoming KaPiTaS Honorary Member?




Date: March 07, 2009
Where: Banez' Residence

Happy Birthday Paola!!! Happy Baby Shower's day Paola!! Baby Shower's day? :))